Default Thumbnail

Lolo, 61, nasakote sa P68K shabu

April 5, 2023 Jonjon Reyes 271 views

HIMAS rehas na bakal ang isang 61-anyos na lolo, matapos na maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Buenviaje at Severino Streets sa Barangay 309, Quiapo, Maynila iniulat ng pulisya.

Ang suspek ay kinilala lamang sa alyas “Amo,” binata, jobless, ng Barangay 475 Sampaloc, Maynila

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Roberto Mupas, commander ng Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station (PS) 14, bandang 11:50 ng gabi (Abril 4), nang magsagawa ng operasyon sa nasabing lugar.

Dahil na rin sa pinaiiral na programa ni MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), iniutos ni Mupas ang pag-aresto sa target ng operasyon.

Sa pangunguna ni P/Maj. Gil John Lobaton, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), nagpositibo ang operasyon ng tanggapin ni “Amo” ang marked money ng poseur buyer para sa iligal na droga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 Article II ng Republic Act 9165 ang nadakip na lolo.

Narekober apat na plastic ng shabu na nasa sampung gramo at may street value na P68,000.

Ayon kay P/Maj. Philipp Ines ng Public Information Office, ipinabatid ng MPD chief ang pasasalamat sa tauhan ng Barbosa PS-14 sa naging aksyon kontra iligal na droga.

AUTHOR PROFILE