Kris

Lolit, boto sa secret lovelife ni Kris

August 12, 2021 Ian F. Fariñas 219 views

BimbyKUNG ang talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis ang tatanungin, duda niya ay may lovelife na nga ngayon si Kris Aquino.

Bukod sa pagpo-post ni Kris ng birthday greeting sa diumano’y isang government official, nagpasalamat din siya sa natanggap na bouquet of flowers sa Instagram kahapon.

“Parang may duda ako na may bagong lovelife si Kris Aquino hah! Kasi di ba super pretty siya ngayon ng magpakita siya sa TV, tapos lately parang happy siya at very inspired. Maganda nga iyon pagiging secretive niya lately at medyo quiet dahil parang nag grow iyon secret lovelife niya ng hindi napapansin ng public. Ewan ko kung ilalabas niya ito, or ililihim niya na lang. Or baka makatulong din na lockdown tayo kaya hindi gaanong napapansin mga nagaganap sa paligid. Saka siyempre matured na ang outlook ni Kris ngayon kaya iba narin ang mga galaw niya. Sana nga maging happy na siya, makita ang ‘the one,’ at magkaruon ng sariling pamilya para buo na sila nila Joshua at Bimby. Goodluck Kris sa bago mong love, pray ko iyan na ang forever mo, promise!!” ani ’Nay Lolit sa IG.

Samantala, pinost ni Kris kahapon sa IG ang picture ni Bimby na hawak ang malaking bouquet.

Aniya, “i have never been thanked this way for a ‘birthday’ post… obviously he has Bimb’s yes and i’ve always been vocal, when my sons are okay, then my world’s okay… and because i want to keep it this way, whatever shall be happening will be only for us- my family, closest friends, and trusted team.

“Thank you for wanting me to be happy, this time i feel even Noy in heaven will finally approve, siguro naman because we’d never have met had it not been for him.

“Please, wag nyo nang kulitin si @attygideon, the one with all the info, from the 1st casual introduction way back during my brother’s term to when we reconnected after his death is @rochelleahorro (sorry Rochelle but you’ve always known naughty ako)…” at nilagyan niya ito ng hashtags na #grateful #lovelovelove.

AUTHOR PROFILE