Jeric, ’di nanligaw kay Sheryl

August 12, 2021 Vinia Vivar 448 views

Itinanggi ni Jeric Gonzales ang tsikang nanliligaw siya sa dati niyang co-star sa Magkaagaw na si Sheryl Cruz.

“Hindi ko po alam kung saan po galing ‘yang mga info na ‘yan,” simula ni Jeric sa virtual mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko.

“Actually, wala pong ligawan na nangyari. I never courted Ms. Sheryl Cruz. Friends po kami and we’re professional friends du’n sa Magkaagaw. Co-actor ko siya and I’m happy with that,” he added.

Matatandaang nagsimulang ma-link sina Jeric at Sheryl during the Magkaagaw series.

Ayon pa sa aktor, single and happy siya ngayon.

“Marami akong goals in life and du’n muna ako naka-focus and with my family. So, kung mayroon mang darating, bakit hindi?” aniya.

Samantala, si Jeric ang isa sa leading men ni Barbie Forteza sa bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na Captain Barbie.

Magsisimula na ito ngayong August 15 at one month itong mapapanood every Sunday. Kasama rin sa cast si Anjo Damiles mula sa direksyon ni Rico Gutierrez.

BARBIE, GAME SA MALA-‘DARNA’ COSTUME

BarbieSpeaking of Barbie, sobrang excited siya sa Daig Kayo ng Lola Ko bilang super-hero ang kanyang role na matagal na niyang dream gampanan.

At siyempre, first time rin niyang magko-costume bilang superhero. Ang puna nga lang, medyo conservative ang costume niya dahil balot na balot siya.

Ayaw ba niya ng mala-Darna na costume na naka-two piece?

“Why not?” natatawang sagot ni Barbie.

Willing naman daw siya na magpakita ng kaunting skin and in fact, ang unang design daw talaga ng costume niya ay kita ang tiyan at sleeveless pa.

“So, sabi ko, ‘okay, sige po.’ So, ako naman si work-out, diet, ganyan. Siyempre, tayo ang mag-a-adjust sa costume, ’di ba? Hindi naman pwedeng ‘yung costume ang mag-adjust sa atin.

“So, nu’ng medyo feeling ko, ready na ‘ko, tapos pagdating ko sa set, pagtingin ko sa costume, ay balot na balot. Ay, sayang naman ‘yung diet ko,” kwento ni Barbie.

Ang explanation daw sa kanya kaya nabago ang costume ay para maging kumportable siya sa fight scenes.

“Pero given the chance, tulad ng sinabi ko, willing naman ako rin na mag-work-out and mag-diet and mag-ready sa costume,” aniya.

AUTHOR PROFILE