Julie

Julie Anne, inilabas ang struggles sa pandemic

August 12, 2021 Ian F. Fariñas 258 views

NAGING bukas ang singer-actress na si Julie Anne San Jose sa pagsasabi na gaya ng nakararami ay dumaan din siya sa struggles ngayong panahon ng pandemya.

Sa virtual mediacon para sa nalalapit niyang Limitless: A Musical Trilogy digital concert, inamin ni Julie Anne na may phase sa quarantine na hinanap niya ang purpose niya.

“I didn’t know what to do. Matutuloy pa ba ang mga plano ko? Dapat ko pa bang ituloy?” ang mga naging tanong niya sa sarili noon.

Tatamaan ka raw talaga ng ganito sa pandemic at ang daily struggle ay sobrang totoo.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Julie Anne sa home network sa pagbibigay tsansa sa kanya na gawin ang Limitless…, kung saan bumiyahe siya sa Luzon, Visayas at Mindanao para sa tatlong leg ng performance.

“I believe na through this project, I can relate myself to everyone. Parang gusto ko silang dalhin sa iba’t ibang dimension, iba’t ibang realms. Parang roller coaster ride ang mapi-feel mo ’pag napanood n’yo ang concert,” dagdag pa niya.

Patuloy ni Julie Anne, introvert siya sa totoong buhay. Madalang siyang magkwento tungkol sa emosyon at problema niya’t lagi lang siyang makikita na nakangiti o nakatawa.

“But I also feel these things at ’yan ang makikita n’yo sa trilogy,” giit niya.

Kasamang humarap ni Julie Anne sa Zoomcon Limitless… creative director na si Paolo Valenciano, na nagsabing nahihigitan pa ng Kapuso artist ang mga kayang gawin ng ama niyang Livewire Performer at Pure Energy na si Gary Valenciano.

Reaksyon ni Julie Anne, incomparable si Gary V. na isa pala sa musical influences niya.

Basta raw sa ngayon, feeling niya, lahat ng blessings na ibinibigay sa kanya, gusto niyang i-maximize at i-share para makapagpasaya at maka-entertain ng mga tao.

’Yun ang nahanap niyang purpose sa buhay.

“It makes my heart whole when I share my music,” ani Julie Anne.

AUTHOR PROFILE