LCSP nagpasalamat na di kasama ang public transport sa color coding

November 29, 2021 Jun I. Legaspi 182 views

NAGPAABOT ng pasasalamat ang commuter at transport groups sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi isinama ang public transporation sa muling pagpapatupad ng number coding o color coding sa Metro Manila.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), tama ang decision ng MMDA at ng mga Metro Manila Mayors na hindi isama sa color coding ang public transportation.

Bukod sa taos-sa pusong pasasasalamat, 100% suportado ito ng LCSP at lahat ng iba pang kaalyadong transport groups na dumaraan sa Metro Manila at mga karatig probinsya at lugar.

Ayon sa utos ng MMDA, muling ipatutupad ang number coding sa private vehicles tuwing 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi Monday-Friday, maliban kung holidays.

Ayon kay Inton, nagpaabot din ng pasasalamat agad ang ibang mga transport allies ng LCSP, pinakinggan ang kanilang hiling at suportado ng mga ito ang inilabas na policy ng MMDA kaugnay ng muling pagpapatupad ng number coding o color coding

Nauna nang hiniling ni Inton sa MMDA na sakaling muling ipatupad ang number coding ay huwag isama ang public transportation.

Kaugnay nito nakiusap pa rin ang iba´t ibang transport group na dagdagan pa ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) ang bumibiyaheng mga public transportation dahil kulang na kulang pa rin ito sa lansangan lalo na ang mga trandisyunal na jeepney na siyang primary sinasakyan ng ating mga Kababayan.

AUTHOR PROFILE