Default Thumbnail

Lalaking seloso nagpaalam sa ina bago naglaslas, nagbigti

December 22, 2021 Francis Naguit 300 views

PINANINIWALAANG nagbigti ang isang 29-anyos na lalaki dahil umano sa selos sa live-in partner nito Martes ng hapon sa Sta.Cruz, Manila.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section , bandang 12:00 ng tanghali , nang madiskubreng nakabigti ang lalaki sa may playground sa Central Market sa Quezon Boulevard, Sta.Cruz.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang 10 a.m.

Natagpuan ang lalaki na naka itin at laslas ang kaliwang pulso ng kanyang kapatid.

Habang iniimbestigahan ni Det. Mark Daniel de Guzman, sinabi ina ng lalaki na naniniwala sila na wala namang foul play.

Salaysay naman ng ina ng biktima na dalawang beses itong tumawag na sa kadahilanang ito ay magpapakamatay.

Matinding pagseselos ang pinaniniwalaang nagtulak sa lalaki na magbigti.

Nabatid pa sa initial na ulat ng pulisya , humantong pa umano ang awayan ng mag live in na sa barangay. Naghinala umano ang lalaki na may ibang relasyon ang kinakasama. Nina FRANCIS NAGUIT & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE