Crime

Lalaking Chinese nat’l natagpuang patay sa pagpasok ng Lunar New Year

February 10, 2024 Jonjon Reyes 129 views

ISANG 37-anyos na Chinese ang natagpuang patay sa kanyang condominium sa Ongpin St., Binondo, Manila habang nagdiriwang para sa Chinese Lunar New Year noong gabi ng Biyernes.

Kinilala ni Police Capt. Dennis Turla, chief ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, ang biktima na si alyas Tarzan, manager ng Facana Company, at residente ng Unit 22-C Strata Gold Condominium sa Ongpin St.

Ayon sa impormasyon, nagsimulang makaranas noong Enero ang biktima ng hirap sa paglalakad at pagtulog na nag resulta sa kanyang palaging pagpupuyat.

Pumunta ang katrabaho niya sa kanyang condo para alamin ang kalagayan niya kaya nadiskubre na patay na ang Chinese.

AUTHOR PROFILE