Lalaki patay dahil sa ‘sex enhancer’

February 7, 2022 People's Tonight 196 views

MALAKI ang hinalang tumira muna ang isang 49-anyos na lalaki ng pampagana sa pakikipagtalik, makaraang matagpuang wala nang buhay sa loob ng isang hotel sa Paco, Manila, ayon sa ulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si “R” ng Tanza Cavite.

Base sa ulat nina Det. Mark Daniel De Guzman at Det. Zoilo Nazario na isinumiti kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang 3:30 ng hapon nitong nakaraang Sabado, nang magcheck-in ang biktima, kasama ang isang babae sa Gaius Pension Inn sa panulukan ng Malvar at Agoncillo Sts. sa Paco.

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa nina PSSg. De Guzman at Nazario, base sa salaysay ni Carlo Jose Lee, may-ari ng hotel, ilang minuto pa lamang ang nakakaraan ng mamataan nila ang kasama ng biktima na humahangos papalabas ng hotel, at nagsabing susunod na rin ang biktima.

Dakong 4:30 p.m., isang staff ng hotel ang umakyat sa ika-2 palapag kung saan nagcheck-in ang biktima at ang babae, dahil may pumasok umanong guest at kailangan nitong linisin ang kuwarto.

Dito umano napansin ang bahagyang nakabukas ang pintuan sa Room 202 at nang kanyang silipin, tumambad ang biktima na walang anumang saplot sa katawan at nakaupo ito sa gilid ng kama.

Dahil dito, nagmamadali itong bumaba, at saka ito ipinaalam kay Lee.

Agad nila itong ipinagbigay alam sa nakakasakop na Barangay 649 sa ilalim ni Chairwoman Marguet Reyna na nagreport sa pulisya.

Gayunman, ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral morgue at hinalang tumira muna ito ng pampagana sa sex, kaya inatake ito sa puso.

AUTHOR PROFILE