Default Thumbnail

Lalaki patay, bata sugatan sa pananambang sa Basilan

May 14, 2023 People's Tonight 180 views

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nitong menor de edad matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect habang lulan ng motorsiklo nitong Sabado ng hapom sa Isabela City, Basilan.

Nakilala ang nasawi na si Johny Flores Muarip, nasa hustong gulang habang kritikal naman sa pagamutan ang batang lalaki na nasa dalawa hanggang tatlong, anyos pawang mga residente ng Purok 2, Brgy. Maligue, Isabela City, Basilan.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO)9, ang insidente ay naganap dakong 3:04 p.m. sa national highway ng Sitio Scholastica, Brgy. Menzi, Isabela City.

Lulan umano ang mga biktima ng Honda wave motorcycle pauwi sa kanilang bahay nang paulanan ng bala ng mga suspect na lulan din ng motorsiklo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang isinugod naman sa pagamutan ang dalawa.

Hindi na naisalba ang buhay ni John dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan habang inoobserbahan pa ang kalagayan ng kasama nitong bata.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.

AUTHOR PROFILE