Ang akusado sa ‘rape’ Ang akusado sa ‘rape’ habang lumalagda sa mga papeles tungkol sa kasong inihain laban sa kanya. Kuha ni JOJO CESAR MAGSOMBOL

Lolo, 70, tiklo sa rape

May 14, 2023 Jojo C. Magsombol 263 views

INARESTO ng mga otoridad ang isang 70-gulang na lalaking most wanted person (MWP) sa kasong panggagahasa noong Mayo 11 sa Batangas.

Base sa report ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director, P/Col. Pedro D. Soliba kay Police Regional Office CALABARZON P/Brig. Gen. Carlito M. Gaces, ang suspek ay nakilalang si alias Atong, balo, vendor, at nakatira sa San Nicolas, Batangas.

Ang suspek ay diumano top 8 MWP sa regional level at naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Laurel MPS kasama ang Provincial Intelligence Team-Provincial Intelligence Unit (PIT-PIU) BPPO at Regional Mobile Force Branch (RMFB) 4A 402nd Maneuver Company sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 16, ng Sariaya, Quezon noong Hunyo 29, 2021.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang umano’y pananamantala ng akusado noong 2003.

Pwersahang nakipagtalik umano ang suspek ng tatlong beses sa isang dalagita.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ng akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay nahaharap sa tatlong bilang ng kasong rape (RPC ART 266-A).

“Pinupuri at pinapasalamatan ko po ang mga operatiba sa matagumpay na paghuli sa sa akusado upang mabigyan ng hustisya sa pang-aabuso nito sa biktima. Tulad ng paulit-ulit nating sinasabi, ang pag-aresto sa mga kriminal na ito ay dalawang beses na tagumpay. Una, inaalis natin ang kanilang mga pagkakataon na gumawa ng pareho o mas malalalim na krimen, at pangalawa, binibigyan natin ng hustisya ang mga nagawa nilang mali at nasaktan,” sabi ni Soliba.

AUTHOR PROFILE