Default Thumbnail

Lalaki natagpuang palutang-lutang sa ilog

August 25, 2023 Melnie Ragasa-limena 354 views

NATAGPUANG palutang-lutang sa Marikina River sa Quezon City noong Huwebes ang bangkay ng isang lalaki na naiulat na nawawala mula pa noong Agosto 21.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ni Mark Manuel, 36, ng isang concerned citizen bandang alas 7:00 ng umaga sa ilog sa Barangay Old Balara.

Residente umano ng Barangay Bagong Silangan si Manuel.

Ayon sa kapatid ni Manuel, huli siyang nakitang buhay noong Lunes bago pumunta sa ilog para mangisda.

Hinanap siya ng kaniyang mga kamag anak ng hindi siya umuwi ng araw na iyon. Inaalam ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ni Manuel.