
Tirador ng motorsiklo tiklo
TIKLO sa pulisya ang isang tirador ng motorsiklo sa pamamagitan ng backtracking ng CCTV sa panulukan ng Apacible at Paz St., Barangay 677, Paco, Manila noong Agosto 20.
Sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Marsie Pagtalunan, Police Master Sergeant Louie Bernal, Patrolman Jan Earl Mendoza at Patrolman Renz Louis Bautista, pawang nakatalaga sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Manila Police District, natimbog ang isa sa suspek na nakilalang si Mac, alyas ‘Dagul’ 27, ng Paco, Manila.
Matapos matimbog, inginuso niya ang kasamahan sa krimen na sina Richard, 57, at Putol.
Nahuli ang mga suspek matapos may pumunta sa headquarters ng DACU upang ireport ang nawawala niyang green na Yamaha Mio habang nakaparada sa harap ng kanyang liquid soap store sa naturang lugar.