Police EYES TO THE BALL–Tiniyak ang police visibility sa Lawton ng PCP-MPD PS 5, sa pamumuno ni PCapt. Wilbert Aticao, malapit sa Andres Bonifacio Monument sa Ermita, Manila habang idinadaos ang FIBA World Cup. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Police visibility pinaigting para sa FIBA Games

August 25, 2023 Jonjon Reyes 342 views

LALONG pinaigting ang seguridad sa pamamagitan ng “Police Presence at Area Monitoring” sa panulukan ng Cecilia Muñoz St. at Padre Burgos St. sa harapan ng monumento ni Andres Bonifacio sa Ermita, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, Station Commander ng Manila Police District- Ermita Police Station 5 , nagsimulang humigpit ang seguridad sa lugar bandang 5:55 ng hapon hanggang sa gabi habang idinadaos ang FIBA Basketball World Cup.

Ayon kay MPD chief PBGen. Andre Dizon, bukod sa pag-iikot ng bicycle patrol sa umaga at motorcycle unit sa gabi, iniutos din niya na tiyakin ang police presence sa Binondo, Ermita, Quiapo, Malate, Intramuros, Baseco at Tondo.

Dahil dito agad na nagpatrolya si Police Captain Wilbert Aticao, hepe ng Lawton Police Community Precinct, kasama ang kanyang mga tauhan.

AUTHOR PROFILE