Posas

Holdup, carnap gang member tiklo sa parak

August 26, 2023 Edd Reyes 156 views

ARESTADO ang isang miyembro ng gang na sangkot sa panghoholdap at carnapping nang manakot ng mga residente sa Taguig City noong Biyernes.

Inabutan pa ng mga pulis ang suspek na si Emerson Pillos, alyas ‘Robin,’ 40, habang hawak ang kalibre .22 magnum revolver.

Isinuko ni Pillos ang baril na may dalawang bala. Walang lisensya ang baril ni Pilos, ayon sa mga pulis.

Kaagad kumilos ang mga tauhan ni Taguig police chief P/Col. Robert Baesa para arestuhin ang suspek sa Banana St. Brgy. New Lower Bicutan dakong alas-3 ng hapon.

Inabutan pa ng mga pulis ang suspek na si Emerson Pillos, alyas “Robin”, 40, habang hawak ang isang kalibre .22 magnum revolver kaya’t kaagad na nagpakilala ang mga awtoridad at pinasuko ng mapayapa ang suspek.

Dahil batid na napaligiran na siya ng mga pulis, isinuko ni Pillos ang baril na may dalawa pang kargang bala at nang hanapan ng kaukulang papeles, wala siyang maipakita kaya’t inaresto na siya ng mga operatiba.

Sa report ni Baesa kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Roderick Mariano, miyembro si Pillos ng Kelly Calauad Dongalo robbery hold-up at carnapping criminal group.

Napagalaman na na dati ring miyembro si Pillos ng Muslimen Saban Robbery Hold-Up Group.

AUTHOR PROFILE