Dizon SUMUNOD TAYO–Ipinakita ni MPD Chief Police Brig. Gen. Andre P. Dizon (kaliwa) kay Atty. Juvil Surmieda-ng Comelec-National Capital Region ang mga ginawang signage para sa nakatakdang BSKE polls

Send off ceremony para sa BSKE ginanap sa MPD

August 26, 2023 Jonjon Reyes 262 views

TINIYAK ng ilang ahenysa ng gobyerno na katuwang sila ng mga kapulisan at Commission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng maayos at payapang halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataang elections sa Oktubre 30.

Sa ginanap na send-off ceremony sa Manila Police District headquarters, sinabi ni MPD District Director Andre Dizon kasama si Atty. Juvil S.Surmieda, ang Regional Election Director ng Comelec-National Capital Region, na nararapat lamang na magkaisa para sa naturang halalan.

Pinaalalahanan ni Dizon ang mga pulis na huwag kakalimutan ang mandato ngayong BSK election.

Ito ang HOPE (Honest,Orderly and Peaceful Election) at SAFE (Secured, Accurate and Fair Elections) na magiging gabayan sa pagganap sa tungkulin hanggang matapos ang halalan.

Ayon kay Dizon, humigit kumulang 1,000 kapulisan ang ipapakalat sa buong Maynila sa pagsisimula ng election period at filling ng certificate of candidacy sa August 29.

Sa panahon ng campaign period hanggang sa halalan madadagdagan pa aniya ang kanilang mga deployed personnel sa hanggang 4,000 pulis.

Simula Agosto 27 maglalagay na ang MPD ng mga Comelec checkpoint signange sa ibat-ibang lugar ng Maynila at mahigpit itong ipapatupad.

AUTHOR PROFILE