Cruz TAPOS–Kinakausap ni Police Lieutenant Col.Gilbert Cruz, hepe ng MPD Stn.5, ang magpinsan na suspek sa mga panghoholdap sa Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 holdup suspek natimbog

August 26, 2023 Jonjon Reyes 288 views

ARESTADO ang magpinsan na parehong suspek sa panghoholdap sa isang follow up operation ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 Sabado ng umaga.

Na game over na ang mag pinsan at hawak na ngayon ng pulisya

Kinilala ang mga suspek na sina Andy Ayuso y Bassig, 35, at June Braga y Ayuso, 20, kapwa residente sa 1652 Saturno Street,Paco,Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni PSSg Jonar A.Pardilla, sakay ng pampasaherong jeep ang mga complainant na dumadaan sa McArthur Bridge,E Ermita, Manila nang pumara ang mga suspek.

Pagsapit sa Lawton, dito na nagdeklara ng holdap ang mga suspek kasabay ng paglabas ng kanilang mga baril.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, nahuli ang dalawa sa pamamagitan ng GPS ng mobile phone ng isa sa pasahero.

AUTHOR PROFILE