Camille Larawan mula sa IG/Camille Trinidad

Handang lumangoy

May 15, 2024 People's Tonight 94 views

PETMALU kung ihambalang sa social media ng famous vlogger na si Camille Trinidad ang kanyang hanep na kaseksihan.

Sa isang Instagram post kasi ng vlogger-businesswoman, ibinandera niya ang kanyang kaseksihan habang nasa bakasyon sa Bali, Indonesia. Pasabog ang mga mirror selfies niya sa social media.

“Blue bali baby,” maikling caption ni Camille sa kanyang larawan.

Seksing-seksi naman kasi ang social media star sa suot niyang two-piece swimsuit, talagang handang-handa nang lumangoy.

Pero ang mga kalalakihan, ang bebot mismo ang gustong sisirin. Tila nahumaling sila sa tamang timpla ng kanyang beauty at hotness.

Maging ang nobyo ni Camille na si Jayzam Manabat ay may hirit din sa pambubulabog ng hubog ng kanyang nobya.

“Slay,” komento ni Jayzam sa bikini photos ni Camille.

Hinangaan nga sa comment section ang kaseksihan ni Camille. Ayaw nilang awatin sa paghahain ng patakam ang internet personality dahil bet na bet nila ang ganitong uri niya ng post.

AUTHOR PROFILE