Lalaki nakauwi pa matapos barilin, dedo

June 27, 2022 Jonjon Reyes 149 views

UMABOT pa sa kanyang tahanan bago bumulagta ang isang 28-anyos na lalaki, makaraang pagbabarilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang gunman sa Tondo, Manila linggo ng madaling araw.

Nadala pa sa pagamutan subalit namatay din habang inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang nakilalang si Angelo Genese ng 665 Daang Bakal sa Barangay 163 sa Tondo.

Samantala, tatlong hindi pa nakikilalang suspek ang mabilis na tumakas matapos isagawa ang pamamaril.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Errhol Aguila sa kanyang hepe na si P/ Lt.Adonis Aguila ng Manila Police District – Homicide Section , bandang 2:45 a.m. nang maganap ang pamamaril sa Daang Bakal kung saan nakaupo si Genese malapit sa basketball court.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang umanong sumulpot gunman na may kasamang dalawang backup.

Nagawa pa umanong makauwi ng bahay at kumatok sa pinto si Genese.

Mabilis na isinugod sa naturang ospital ang biktima, subali dakong 4:12 ng madaling araw , nang ideklarang patay ni Dr. Hardin Albajera.

AUTHOR PROFILE