Sunog sumiklab sa 22-storey hotel sa QC

June 27, 2022 Melnie Ragasa-limena 113 views

BATAY sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-National Capital Region (NCR), nagsimula ang sunog sa unit 1703 na nasa ika-17 palapag ng La Breza Tower sa matatagpuan sa Mother Ignacia, Barangay South Triangle, Quezon City, na pag-aari ng Sta Lucia Land.

Dakong 2:24 p.m. nang itaas ang unang alarma at iniakyat sa ikalawang alarma dakong alas-2:35 p.m.

Agad namang naideklarang fire under control dakong alas-3:12 ng hapon hanggang sa tuluyang maapulan ang apoy ng alas-3:28 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

Hanggang sa isinusulat ito ay hindi pa pinapayagan makabalik sa loob ng hotel ang mga residente.