Default Thumbnail

Lalaki ‘nahulog’ mula sa condo sa Adriatico, dedo

July 19, 2022 Jonjon Reyes 483 views

ISANG hindi pa nakilalang lalaki ang namatay matapos mahulog umano Martes ng madaling araw mula sa isang condo sa Adriatico St, Ermita, Manila.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Manila Police District- Homicide Section kung may nangyaring foul play sa insidente.

Agad na inireport ni PLt. Cristobal Duque, Blk.Commander ng Jeorge Bocobo PCP, ang insidente na naganap bandang 5 a.m., kay PLt. Col. John Guiagui, MPD- Station 5 commander. Ipinag-bigay alam din ang pangyayari sa tanggapan ni PLt.Adonis Aguila, hepe ng Homicide Section.

Dakong 7:20 a.m. nang masawi habang inoobserbahan ni Dr. Steven Protacio ang lalaki sa Philippine General Hospital.

AUTHOR PROFILE