Default Thumbnail

Lalaki nagulungan ng bus, paa halos maputol

April 19, 2024 Melnie Ragasa-limena 68 views

HALOS maputol ang paa ng 57-anyos na lalaki matapos madulas at mahulog kaya nasagasaan ang paa ng bus na sasakyan niya sana sa Quezon City noong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Roque Prado Manamtam ng 2 Masaya St. Philcoa, Quezon City.

Agad namang naaresto ang bus driver na si Nicko Matos, 28, ng Phase 3A Block 4, Lot 14, Towerville, Brgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte Bulacan.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 2, bandang alas-9:15 ng umaga nangyari ang aksidente sa Quirino at Regalado Highway sa Brgy. Pasong Putik Proper.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg. Sherwin Loria, habang pasakay ang biktima sa bus (AAM9808) nadulas at nahulog ang lalaki.

Hindi napansin ng driver ang pangyayari kaya pinaandar ang bus at nasagasaan ng kanang gulong sa likuran ang paa ng biktima na napahiga sa ilalim.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima at inaresto naman ang bus driver na nahaharap sa kasong serious physical injury.