Kelot NATYEMPUHAN–Sinisiyasat ng mga pulis ang suspek matapos na matimbog. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki laglag sa boga

March 4, 2024 Jonjon Reyes 141 views

NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang suspek sa pag-iingat ng ilegal na baril sa Lallana St., Tondo, Maynila noong Lunes.

Base sa ulat ni Police Major Alvin Christopher Baybayan, hepe ng DSOU, bandang alas-7:32 ng umaga ng timbugin ang suspek na si alyas Memel at narekober sa kanya ang isang kalibre 45 na baril na may limang bala.

Ayon kay Baybayan, nagtangka pang tumakas ang suspek pero mabilis na nadakma ng mga umaarestong pulis.

Himas-rehas ngayon ang lalaki at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.

AUTHOR PROFILE