Crime

Lalaki grinipuhan sa leeg, mukha; dedo

May 14, 2023 Melnie Ragasa-limena 295 views

Huling kasama hinahanting

PINAGHAHANAP ng pulisya ang huling kasamang lalaki ng isang biktima na natagpuang patay at may saksak sa leeg at mukha sa loob ng kaniyang condominium unit sa lungsod Quezon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District nadiskubre ang katawan ng biktimang si Cezar Mosquera, sa loob ng kaniyanv unit sa Manhattan Parkview Tower 2, Gen. Roxas Ave., Brgy. Socorro, Cubao, bandang 4:30 PM, Mayo 12, 2023.

Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima bandang 11:32 ng gabi, Mayo 11, 2023, kasama ang isang lalaki.

Bisita umano ng biktima ang lalaki at nagsulat pa ng pangalan sa visitor’s logbook bago pumunta sa condomium unit ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya nadiskubre umano ang bangkay ng biktima matapos maamoy ng isang janitress sa condominium building ang umaalingasaw na amoy na nanggagaling sa kuwarto ng biktima.

Agad na sinangguni ng nasabing empleyado ang kaniyang hinala sa building administrator personnel.

Makailang beses na tinawagan ang mobile phone ng biktima ngunit hindi ito sumasagot. Nang katukin ang kaniyang unit ay wala ring nagbukas ng pinto.

Nanghingi umano ng permiso ang building administrator sa kapatid ng biktima kung maari nilang pasukin ang kuwarto.

Nang mabuksan ang kuwarto ng biktima ay tumambad sa kanila ang wala ng buhay na biktima na nakasubsob sa sahig.

Natagpuan ng pulisya ang dalawang kitchen knife na may bahid pa ng dugo sa tabi ng bangkay ng biktima.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng saksak sa leeg at mukha.

Patuloy anc pag iimbestiga ng pulisya sa nasabing kaso.