Default Thumbnail

Laguna cops, journalists nag-open forum sa news gathering

February 23, 2024 Gil Aman 112 views

KAMPO HENERAL Paciano, Rizal–Isang open forum ang pinangunahan ng Laguna Police Provincial Office (PPO) para sa accurate na pagbabalita tungkol sa mga kaganapan sa lalawigan.

Dumalo ang mga hepe ng pulisya ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan sa isinagawang open forum sa pagitan ng mga mamamahayag at mga pulis sa pangunguna ni Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos noong Miyerkules.

Nagharap ng mga alituntunin hinggil sa isusulat na balita si P/Capt. Byron Angelo Bacud, legal officer ng Laguna police, na dapat gawin at hindi dapat gawin para maiwasan ang kakaharaping problema.

Nagkaroon rin ng diyalogo sa pagitan ng mga mamamahayag at mga chief of police para sa pagkuha ng mga detalye ng mga nangyayari lalo na tungkol sa mga kontrobersyal na balita.

Inihayag din ng mga kapulisan na kung kinakailangan huwag munang ilabas ang anumang balita dahil sa patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa mga sensitibong kaso na may kinakarap pang dapat pag-ingatan.

AUTHOR PROFILE