Ronnel Tan Ipinakita ni Public Works and Highways Region 1 Director Ronnel M. Tan at iba pang Regional at District officials ng Ilocos Region kay DPWH Sec. Roger G. Mercado ang P4.7 billion La Union bypass road na 80.12% nang natatapos nang magsagawa sila ng personal na inspeksiyon.

La Union P4.7-billion bypass road project 80.12% ng tapos

February 27, 2022 People's Tonight 360 views

SINABI ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes na ang P4.7-billion bypass road project na magsisilbing alternatibong ruta sa Manila North Road para sa mga biyahero mula Bauang, San Fernando City, at San Juan, La Union ay 80.12% ng tapos.

“A total of P4.697 billion is required to fully complete the whole stretch of the bypass road, of which, P2.026 billion (was) released from 2018 to 2022,” pahayag ng DPWH.

“The bypass road project based on total released funds managed to reach an accomplishment rate of 80.12%,” dagdag pa nito.

Ang 22.2-kilometer Bauang-San Fernando City-San Juan Bypass Road project ay inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Manila North Road section sa pagitan ng Barangay Payocpoc, Bauang at Barangay Taboc, San Juan.

Ang project na nagsimula noong 2018, ay may dalawang sections: ang 7.8-kilometer Bauang Section at ang 14.4-kilometer San Fernando City-San Juan Section.

Inaasahan din ito na magsisilbing tagapag-ugnay sa iba pang major roads tulad ng Bauang-Baguio Road, San Fernando-Bagulin Road at San Juan-San Gabriel Road na patungong Kapangan, Benguet.

Ayon sa departamento, ang nasabing proyekto ay kinabibilangan ng pagtatayo ng 18 tulay kung saan ang tatlo ay natapos na habang ang isa ay itinatayo pa at ang 14 pang natitira ay naghihintay pa ng pondo.

“We understand that a properly-realized road network plays a vital role in nation-building. That is why the DPWH vows to continue providing much-needed road infrastructure to promote economic development all over the country,” pahayag ni Public Works Secretary Roger G. Mercado.

Para sa taong ito, sinabi ng departamento na umaasa sila na magbubukas ang 2.64 kilometers para sa Bauang Section, gayundin ang pagtatayo ng Bauang Bypass Bridge na nay sukat na 895.9 meters, habang magbubukas din ang panibagong 1.87 kilometers na daan para sa San Fernando City-San Juan Section.

“The rest of the bypass road project is already programmed for implementation in 2023 and 2024, with funding earmarked at P2.671 billion,” ayon pa sa departamento.

“When completed, travel time between the towns of Bauang and San Juan will be cut in half from the current one hour to just 30 minutes,” dagdag pa

Samantala, isang kakaibang multi-purpose building project na may iconic architectural design ang itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Lalawigan ng La Union at ito ay magsisilbing bilang panibagong landmark sa Lungsod ng San Fernando.

Personal na ininspeksyon ni Mercado ang ginagawang pagtatayo ng ₱280 Million La Union Convention Center Project sa Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union noong Feb. 23, 2022.

Kasama ni Sec. Mercado sa ginawang project visit sina Undersecretaries Roberto R. Bernardo at Eugenio R. Pipo Jr.; Assistant Secretaries Antonio V. Molano Jr. at Ador G. Canlas; Region 1 Director Ronnel M. Tan; at iba pang Regional at District officials ng Ilocos Region.

Ayon kay Director Tan, ang tatlong (3) palapag na multi-purpose building na nasa isang burol na may kakaibang architectural at aesthetic design ay sumasalamin sa reputasyon ng La Union bilang surfing destination sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Ang floor area ng nasabing gusali ay may sukat na 2,000 metro kwadrado at may kakayahang tumanggap ng may 1,500 indibidwal na bibisita sa convention center kapag may mga events tulad ng exhibits, conventions, tradeshows, meetings, programa ng gobyerno at ilan pang pampublikong gawain.

AUTHOR PROFILE