Lasantos

LA, na-starstruck at kinilig kay Janella

November 21, 2022 Ian F. Fariñas 337 views

AMINADO ang singer-turned-actor na si LA Santos na sobra siyang na-starstruck sa first showbiz crush na si Janella Salvador nang una niya itong makaharap sa taping ng ABS-CBN series na Mars Ravelo’s Darna.

Kwento ni LA sa recent intimate thanksgiving presscon, nakarating pala kay Janella ang balitang crush niya ito kaya naman inasar siya ng aktres sa first meeting nila.

“Sabi niya, ‘balita ko crush mo ako, ah.’ Sabi ko,

‘swerte mo, hindi joke lang!’

“To be honest, super na-starstruck ako sa kanya. Siyempre, kinilig na rin. Masasabi kong mas maganda siya in person,” ani LA, na gumaganap sa papel ni Richard Miscala, miyembro ng paramedic team sa Darna habang si Janella naman si Valentina.

Sa palagay ng binata, doon na-develop ang friendship nila at ang pang-aasar nito sa kanya ang nagsilbing ice breaker sa pagitan nila.

Katunayan, close friends na sina LA at Janella. Isa ang actor-singer sa mga ninong ng baby ng aktres na si Jude.

Sa ngayon, tipong nag-i-enjoy ang 22-year-old sa pag-arte, lalo pa nga at nabigyan siya ng tsansang makatrabaho ang mga tulad nina Janella, Joshua Garcia at Jane de Leon.

Bago nag-Darna, sumabak na rin sa aktingan si LA sa Ang Sa Iyo Ay Akin kasama naman sina Sam Milby, Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Tsika niya, “Nu’ng una, medyo nagdalawang-isip ako sa acting. Pero nu’ng napasok sa acting, nainlab na ako, para kasing napupunta ako sa ibang mundo.

Nakaka-amaze lang po sa akin, parang bakasyon na rin siya para sa akin. Nare-relax at nakakalimutan ko ang mundo kahit sandali.”

Dahil dito, goal daw ni LA na mas magpursige at sumubok ng mas challenging roles.

Ayaw daw niyang sayangin ang mga tsansa at oportunidad na dumarating sa kanya.

Pero diin niya, never niyang bibitawan ang pagkanta dahil ito ang rason kung bakit siya napasok sa showbiz in the first place.

Wala rin daw siyang GF ngayon dahil gusto niyang i-set straight ang priorities niya sa buhay.

Kasama na rito ang wish na makatrabaho at gumanap bilang anak ng kaibigan at idolo niyang si Ian Veneracion sa isang teleserye.

“Personally, sa acting ko na po nakikita ang career path ko po, eh. ‘Yung music ko po at pagiging singer sobrang blessed ko na lang po. Kumbaga, bonus na lang,” paliwanag ni LA.

AUTHOR PROFILE