Dantes

Bagong bahay, dasurv nina Dingdong at Marian

November 21, 2022 Jun Nardo 601 views

TUWANG-TUWA ang fans ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang pinasilip ni Dingdong Dantes ang labas ng pinagawa nilang bahay ng asawang si Marian Rivera sa kanyang Instagram.

May swimming pool ang bahay at nagpasampol nga ang anak ni Zia sa pagbabad sa pool.

“First in, last out,” caption ni Dong sa swimming ng anak.

Bagong memories daw ang kanilang ipipinta sa tahahan nilang ‘yon ngayong nakalipat na sila.

Sa parte naman ni Yan, ni-repost niya lang ang post ng asawa sa sariling IG.

Dasurv na dasurv nina Dong at Yan ang bago nilang tahanan dahil kahit si Dong lang ang may Family Feud, sunud-sunod naman ang bagong endorsements ni Marian, huh!

AUTHOR PROFILE