Imelda

‘MiM’ cast, muling nagkasama sa birthday ni Senator Imee

November 21, 2022 Ian F. Fariñas 384 views

NAGKAROON ng mini-reunion ang cast ng blockbuster Viva Films movie na Maid in Malacañang sa selebrasyon ng kaarawan ni Senadora Imee Marcos kamakailan.

Dumalo sa okasyon sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Beverly Salviejo at ang Maid in Malacañang director na si Darryl Yap.

Sa group picture na ipinost ni Ruffa sa social media, kasama nila si dating Unang Ginang Imelda Marcos na ang karakter ay ginampanan niya mismo sa MiM.

Ani Ruffa sa IG, “A rare moment with the one & only Madame Imelda Romualdez Marcos. She is as sharp, refined and sophisticated as ever at the age of 93.”

Sa part 2 ng MiM na Martyr or Murderer (MoM), ipagpapatuloy ni Ruffa ang pagganap sa papel ni Mrs. Marcos.

Kinumpirma ito ng aktres sa isang socmed post kung saan ipinakita niya na nasa kanya na ang script ng MoM.

Any day now ay magsisimula na silang mag-shooting.

February 25, 2023 ang target playdate ng pelikula na pagbibidahan din ni dating Manila Mayor Isko Moreno bilang si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino.

AUTHOR PROFILE