Kylie

Kylie, idedemanda si Aljur o magpapa-annul?

December 6, 2022 Vinia Vivar 234 views

Aljur

True nga kayang posibleng magdemanda si Kylie Padilla dahil sa umano’y balitang nanganak na si AJ Raval na ang itinuturo nga raw na ama ng baby ay ang estranged husband niyang si Aljur Abrenica?

Sa latest online show ni Cristy Fermin sa YouTube ay napag-usapan nila ito ng mga kasama niyang sina Rommel Chika at Wendell Alvarez.

Ayon kay ‘Nay Cristy ay plano raw ni Kylie na kumausap ng lawyer.

“Meron yatang pinagsabihan na kaibigan itong si Kylie Padilla, ‘I want to talk to my lawyers,’ parang ganu’n? Eh, bakit ba siya makikipag-usap sa mga abogado? Ano bang dahilan?” pagbabahagi ni ‘Nay Cristy.

As we all know, bagama’t hiwalay na sina Aljur at Kylie ay legal pa rin silang mag-asawa dahil hindi pa naman annulled ang kanilang kasal.

Pero pwede rin naman daw na kaya gustong makipag-usap ni Kylie sa mga abogado ay para sa annulment ng kasal nila ni Aljur.

Well, hindi pa natin alam kung ano nga ba ang katotohanan sa mga isyung ito partikular na nga ‘yung tsikang nanganak na si AJ.

These past few months ay parating idini-deny ng sexy star na buntis siya.

Isa pa, may mga litrato siya na nagkalat online na parang nagpapakita kung gaano pa rin siya ka-sexy.

Pero ang ipinagtataka nga rin ni ‘Nay Cristy, hanggang ngayon daw ay walang outright denial si AJ sa isyung nanganak na siya.

Napakadali naman daw lumantad at sabihing ‘wala akong anak, hindi totoong nanganak ako’ pero hindi nga raw magawa ng sexy actress.

Anyway, ang ganitong bagay naman ay hindi maitatago nang matagal at panahon na lang ang makapagsasabi kung totoo ito o hindi dahil may buhay ng tao na siyang magiging pinaka-resibo.

AUTHOR PROFILE