Rodriguez

Kudos sa magiging bagong Executive Secretary, Atty. Vic Rodriguez!

May 23, 2022 Marlon Purification 106 views

Marlon PurificationISA tayo sa natuwa nang marinig na si Atty. Vic Rodriguez ang magiging executive secretary ni incoming president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Si Atty. Vic, VDR ang tawag ng mga katrabaho, ang chief of staff at spokesman ni Marcos.

Mula sa election protest noong taong 2016 kung saan ay nadaya siya sa pagka-bise presidente ni Leni Robredo matapos palitan ang letrang Ñ ay hindi na iniwan ni Atty. Vic si BBM.

Kaya nga lahat ng mga fake news na atake ng mga kalaban ay kayang-kayang ipagtanggol at linawin ni Atty. Vic kasi sa loob halos ng mahigit anim na taon nilang pakikipaglaban ay gamay na nito ang anumang ugali, gusto at anumang katangiang hinahanap ni BBM sa nakalipas na kampanya.

Bukod kay VDR, isa sa malaking tulong sa kampanya ni BBM ay ang asawang si Ma’am LAM (Liza Araneta-Marcos), gayundin ang kaibigan nilang si 2nd District Davao Cong. Anton Lagdameo asawa ni award-winning actress Dawn Zulueta at ang veteran journalist-PR na si Boss Rey Briones, aka Tata Rey.

Sa galing ni Atty. Vic, maayos nitong nasagot ang kabi-kabilang atake ng kalaban ng mga Marcos.

Bagaman minsan ay ‘napipikon’ sa nakaiinis namang tanong ng ilang media, kitang-kita ang magandang ugali at demeanor ni Atty. Vic.

Napakatalino nito at napaka-articulate sumagot at magpaliwanag sa media at taumbayan.

Ang anumang kagalingan ng buong campaign team ng Marcos camp ay dahil sa maayos ding pagtimon ni VDR, gayundin siyempre sa tulong ng campaign manager na si incoming DILG Sec. Benhur Abalos.

Kaya hindi rin natin masisisi si Marcos kung siya mismo ang mag-nominate kay Atty. Vic para maging executive secretary ng kanyang tanggapan na maluwag ding tinanggap ni VDR.

“Who can say no to President-elect Bongbong Marcos? It is an honor working with him, whom I have known for a very long time and I believe will serve the country efficiently and with unquestioned devotion. It is very flattering to work alongside the best person I’ve known,” ani Rodriguez.

Si Atty. Vic ay managing lawyer ng Rodriguez & Partners Law Firm. Naging presidente ng QC Trial Lawyers League at ginawaran ng outstanding alumnus award ng of the University of Santo Tomas, bukod pa sa naging Treasurer ito ng UST Law Alumni Foundation (USTLAFI)

“I thanked President-elect Bongbong Marcos for the trust and confidence. Rest assured that our team will work doubly hard for the success of his six-year presidency,” wika pa ni Atty. Vic.

Naging Deputy General Counsel of the Integrated Bar of the Philippines, Apart from finishing law at UST, ang 48-taong gulang na si Atty. Vic ay mayroon ding Executive Education sa National University of Singapore (NUS) Negotiation and Influence Program.

“Rest assured that our team will work doubly hard for the success of his six-year presidency,” sabi pa sa VDR.

Nitong Lunes ay nagpaalam na si Atty. Vic bilang spokesman ni BBM. Ito’y upang paghandaan ang transition team ni Marcos, kapalit ng bababa sa puwestong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Alam nating mabigat na trabaho ang maging executive secretary o ‘Little President’ ng bansa.

Pero sa galing, husay, talino at dedikasyon sa trabaho, alam kong malaking tulong si Atty. Vic para mapagtagumpayan ng papasok na Marcos administration ang inaasam na pagbangon ng bansa.

Totoong maraming dapat subaybayan sa Marcos admin, ngunit kung may mga tao sa Gabinete ni BBM na katulad ni Atty. Vic, nasisiguro kong nasa maayos na timon ang Malakanyang.

Dahil dito, pahintulutan n’yo akong batiin si Atty. Vic.

Mula po sa aking pamilya at sa buong Journal Group of Publications, Congratulations Atty. Vic Rodriguez and GODSpeed!!!