Kristine

Kristine, nagulo ang buhay sa FB!

September 3, 2021 People's Tonight 185 views

NAGULO ang tahimik na buhay ni Kristine Hermosa bilang asawa ni Oyo Sotto nang nagkaroon siya ng Facebook account.

Ang nakalagay na pangalan sa poser sa FB niya, eh, Kristine-Orille-Sotto na may screen shot sa Instagram account ni Kristine.

Agad namang nagbigay ng babala si Tin kaugnay nito.

“FYI I don’t own this FB page nor any access to it. Please unfollow and report. Hindi nakakatuwa ang stories na pinopost, Nakakabastos na,” caption ni Kristine sa screen shot ng FB account ng poser niya.

MUSIC LOVETEAM

ISINILANG ang latest music loveteam sa katauhan nina Janine Tenoso at Arthur Nery sa una nilang music video na magkasama para sa kantang Pelikula.

Eh, sa ilang araw na released ang video, mahigit isang milyon ang listens sa kanta.

Damang-dama sa video ang malakas na chemistry kina Janine at Arthur kaya kilig na kilig ng makapanood at makarinig sa kanta.

“We daresay that there’s magic when they’re together. And it comes out and we hear it every time they sing together,” saad ng isang executive ng Viva Records.

Sa totoo lang, nasa getting-to-know-each other stage pa sina Janine at Arthur at hahayaan na lang daw nila ang panahon ang magsabi kung meant for each other sila. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE