Chizheart

Pangangaliwa ni Chiz, patatawarin ni Heart

September 3, 2021 Vinia Vivar 288 views

Inamin ni Heart Evangelista na kaya niyang patawarin ang mister na si Sorsorgon Governor Chiz Escudero sakaling kaliwain siya nito.

Sa panayam nilang mag-asawa with Karen Davila ay napag-usapan nila ang tungkol sa cheating at ayon kay Heart, hindi ito magiging dahilan ng pagkasira ng kanilang marriage.

Follow-up question ni Karen kung, halimbawa, aniyang mahuli niya si Chiz, for example, kahit sa text lang, papatawarin ba niya ito?

“Yeah. Because I love him. I don’t love him as a lover. I love him also as a friend,” paliwanag ni Heart.

Dagdag pa niya, hindi niya mapapayagang magkaroon ng happy ending si Chiz sa piling ng bagong girl.

“Ibig sabihin, like what, I’m gonna show you guys you’re gonna have your happy ending? No, I’m gonna stay with you till the end.”

Tawa naman nang tawa si Chiz sa sagot ni Heart.

“But I’m not going to be cruel, I’m still going to be very loving. But you know, I’m not going to give you your happy ending. I’m staying,” sabi pa ni Heart.

Para kay Chiz naman, ang relationship deal breaker sa kanya ay cheating.

ShakikoREACTION VIDEO

Aliw ang YouTube vlog ni Sen. Kiko Pangilinan kung saan ay pinapanood niya ang Revirginized, latest film ng misis na si Sharon Cuneta, and while watching ay react siya nang react.

Aniya, napakarami raw kasing nagtatanong sa kanya kung napanood na niya ang movie kaya naman naisip niyang gumawa ng reaction video bilang suporta sa kanyang misis.

Habang nanonood, bukod sa mga reaction ay may mga kwento pa si Sen. Kiko tungkol kay Sharon.

Nang dumating na ang eksena sa kontrobersyal na beach party, napa-surmaryosep ang senador at sey pa, “Hoy, may mga bata, ah.”

Pagdating sa isa pang controversial scene na body shot ni Sharon with Marco Gumabo, komento ng senador, “Pero sa totoong buhay, hindi umiinom si Sharon. Isang sip lang, ayaw na. Hindi

nainom ng alcohol. Kakaiba talaga. Doon mo makikita na magaling na artista. Proud naman ako.”

Dagdag pa ni Sen. Kiko, masaya siya na successful ang movie at puring-puri niya ang asawa sa pagiging aktres.

“Well, talagang makikita natin ang husay ng kanyang pag-aartista after ng napakaraming pelikula. So I’m very proud and happy na maganda ang naging pagtanggap ng ating mga viewers kay misis dahil very successful so far. Number one sa Viva ang pelikulang ito. At marami ang paulit-ulit daw na nanonood,” he said.

“In the end, dahil nirerespeto ko ang kanyang pagiging actor, bilang artista, ako ay naniniwala na talagang mahusay si misis. She loves her craft. She loves to perform and she loves her audience.

Willing siyang humarap sa mga challenging roles bilang isang propesyunal. Nandiyan ang suporta sa kanyang trabaho, sa kanyang propesyon at I wish her success dahil ibang klase talaga ang kanyang pagiging artista,” pahayag pa ni Sen. Kiko.

AUTHOR PROFILE