Janus

Janus, makikipagpatayan para kina Bea, Angel, atbp.

September 3, 2021 Vinia Vivar 266 views

Ayon kay Janus del Prado, handa siyang makipagpatayan para sa kanyang mga kaibigang sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Paulo Avelino, Joem Bascon, Meryll Soriano, atbp.

Sey nga niya sa kanyang latest interview with Ogie Diaz, hindi rin naman daw kasi matatawaran ang ginawa ng mga ito para sa kanya hindi lang sa usaping pera.

“Kahit hindi mo sabihin na may pinagdadaanan ka, matik alam nila. Hindi laging about money, hindi laging about pera. Minsan ‘yung tawag lang, kamustahin ka lang, malaking bagay para sa atin ‘yon,” ani Janus.

Ikinuwento nga niya na lagi siyang pinapadalhan ng tulong ni Paulo during this pandemic.

“Every time na magla-lockdown, magpapadala ‘yan sa bank account ko ng pang-grocery. Matic ‘yan ha, hindi ka manghihingi, wala siyang itatanong kung may pangbili ba ‘ko or ano,” pagbabahagi ni Janus.

Si Meryll at si Joem naman daw ay panay ang tsek sa kanya at parang mga kapamilya na raw niya talaga.

Hindi rin niya makakalimutan ang ginawang tulong sa kanya ni Angel noong 2014 na sinagot daw nito ang buong hospital bills niya nang nagka-tigdas siya amounting to P150,000.00.

Si Bea naman daw ay mahilig magpadala ng food sa kanya at kung anu-anong goods.

“Swerte ako sa mga kaibigan ko kasi alam ko, bilang isang kaibigan, wala akong masyadong mai-o-offer, eh. Hindi ako mayaman, hindi ako sikat, hindi ako influential na tao. So, ang ano ko na lang is kapag may umagrabyado, syempre, ipagtatanggol ko. Nandu’n ako,” wika ni Janus.

Na talaga namang ginagawa niya. Matatandaang ilang beses na niyang ipinagtanggol si Bea sa issue nito kay Gerald Anderson.

Nang ma-redtag si Angel ay isa rin siya sa walang takot na nanindigan at nagsalita para sa aktres.

AUTHOR PROFILE