Kris

Kris, may bagong manliligaw?

February 14, 2023 Ian F. Fariñas 307 views

MUKHANG may bagong manliligaw si Kris Aquino base sa kanyang IG post ilang oras bago ang kanyang 52nd birthday nitong Valentine’s Day.

Sa nasabing post, ibinahagi niya na meron na silang nakita na temporary home sa AirBnB.

Ayon pa sa kanya, maganda ang location dahil malapit ito sa dagat. Kaso, malayo rin ito sa ospital at walang isolation area ‘pag sinimulan na ang unang cycle ng kanyang treatments ngayong February.

Nagpasalamat si Kris sa pagdarasal ng lahat para sa kanyang paggaling at binanggit isa-isa ang mga kasama niya sa araw-araw bukod kina Joshua at Bimby.

“But you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort i am GRATEFUL…

“i promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related) after iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, i am still blessed… IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…

“Sa dami nyong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherapy) imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama.

“To all, a #lovelovelove day ahead of you, from the very thankful soon to be 52 year old birthday girl,” pagtatapos ni Kris.

AUTHOR PROFILE