Aljur

AJ, inamin ang relasyon kay Aljur

February 14, 2023 Ian F. Fariñas 314 views

SA Araw ng mga Puso napiling umamin ni AJ Raval sa matagal nang pinag-uusapang relasyon nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Actually, hindi na gaanong ikinagulat ng netizens ang pag-amin ni AJ dahil open secret naman sa showbiz ang ugnayan nila ng dating mister ni Kapuso actress Kylie Padilla.

Natsismis pa ngang nabuntis siya ni Aljur at nanganak pero mariin itong dinenay ng kampo ni AJ.

Ginawa ni AJ ang pag-amin sa kanyang Instagram account, kung saan nag-post siya ng litrato nila ni Aljur na nasa beach at magkahawak kamay.

Aniya sa caption, “I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally.”

AUTHOR PROFILE