Direk Darryl, may bwelta kay Cherry Pie!
DALAWANG tanong ang binitawan ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap bilang sagot sa patutsadang tanong ni Cherry Pie Picache kung may konsensiya pa ba siya.
Unang tanong ng Martyr or Murderer director sa aktres, “Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba nya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?”
Ikalawa, “Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kanya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!)”
Sinundan niya ito ng, “ito, seryosong tanong Miss. Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay na Nanay mo — naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO.
sigurado kang may kabutihan sa kanya — Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA?
“at wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho.”
Iginiit din ng direktor na hindi siya ang nagsisimula ng isyu kundi nagre-react lamang siya sa mga patutsada sa kanya at sa kanyang pelikula.