Darryl

Kris, Bam at Riza, tinag ni Direk Darryl sa ‘Mom’ teaser

December 26, 2022 Ian F. Fariñas 360 views

NIREPOST ni Direk Darryl Yap sa Facebook ang official teaser ng Martyr or Murderer (MoM) na inilabas ng Viva at VinCentiments at tinag pa niya sina Kris Aquino, Bam Aquino at Riza Hontiveros.

“I have 3 vacant seats for the 2023 Premiere Night,” pag-iimbita pa sa caption ng controversial director.

Ang MoM ang 2023 follow-up movie sa blockbuster hit na Maid in Malacañang (MiM) na umikot sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang.

Nag-trending ang teaser premiere ng MoM, na iikot naman sa kwento ng mga Marcos at ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, dahil sa one liner ni Cesar Montano (bilang Marcos Sr.) na “Napakasinungaling mong tao.”

Siyempre, ngayon pa lang, curious na ang netizens kung bakit ito binitawan ng dating Pangulo at kung sino ang kausap niya sa eksenang ito.

Bukod kay Cesar, nasa cast din ng MoM sina Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, Jerome Ponce at Isko Moreno.

AUTHOR PROFILE