Mga matunog sa MMFF Awards Night ngayong gabi
MATUNOG ang pangalan ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca na siyang mananalong Best Actor sa 2022 Metro Manila Film Festival Awards Night dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa BL movie na “My Father, Myself” na
pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan.
Other nominees for Best Actor include Noel Trinidad para sa pelikulang “Family Matters” na pinamahalaan ni Nuel Naval under Cineko Productions, Edu Manzano for “Mamamasapano: Now It Can Be Told” na dinirek ni Lester Dimaranan for Borracho Films, Ian Veneracion for “Nananahimik ang Gabi”na dinirek ni Shugo Praico under Rein Entertainment, Joey de Leon for “My Teacher” ng Ten17P and TinCan Productions, Vice Ganda for “Partners in Crime” ng Star Cinema and Viva Films at Coco Martin ng “Labyu with an Accent” na siya mismo ang namahala along with Malu Sevilla under ABS-CBN Film Production.
Habang nagpapasalamat si Jake sa magagandang reviews ng pelikulang “My Father, Myself” kung saan tampok din sina Sean de Guzman at Dimples Romana, hindi niya mapigilan ang malungkot dahil hindi mapapanood ang kanilang pelikula sa mga sinehan ng SM dahil ito’y binigyan ng R-18 rating ng MTRCB dahil sa sensitibong tema ng pelikula.
“Pero sana’y panoorin pa rin ito ng mga manonood (outside of SM) for them to find out and judge for themselves what the movie is all about,” aniya.
Kilala si Jake hindi lamang sa pagiging passionate sa kanyang trabaho bilang actor kundi he’s committed 100% to the craft na kanyang kinabibilangan for the last 21 years.
Sakaling siya ang palaring manalo bilang Best Actor sa MMFF Gabi ng Parangal ngayong December 27 na gaganapin sa New Frontier Theater in Quezon City, ang parangal ay kanyang personal na iaalay sa kanyang mahal na ina na si Rachelle Leveriza, his inspiration in whatever he does.
On December 30, he will be celebrating his 35 th birthday with his family.
Bukod sa MMFF movie na “My Father, Myself,” gabi-gabi ring napapanood si Jake sa hit primetime series na “Iron Heart”na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
Ngayong 2023, he sees himself not only an actor kundi isa na ring writer- director and he is grateful to writer-director Irene Villamor as his mentor. Ang dalawang young actors na gusto niyang maidirek ay sina Sean de Guzman at Gold Aceron na hindi lamang pareho mahusay umarte kundi matapang sa mga papel na ipinagkakatiwala sa kanila.
“Pagbutihin pa lalo at mahalin lamang nila ang kanilang trabaho, tiyak na malayo ang mararating ng dalawa,” pahayag ni Jake.
He also wants to work with other good actors and directors in the future.
Ang isa namang dream role na gustong gawin ni Jake ay papel ng isang transwoman.
Jake considers 2022 as his most challenging but productive year and he’s looking forward to a busier 2023 at kasama na rito ang isang international project na nakatakda niyang gawin.
He will be celebrating his 35th birthday in Singapore together with his family kung saan din nila sasalubungin ang Bagong Taon.
Up for grabs ang Best Actress trophy and other categories sa Gabi ng Parangal ng 48th edition ng Metro Manila Film Festival at isa sa matunog na pangalan na lumulutang ay ang singer-actress na si Nadine Lustre na napakahusay sa suspense-thriller movie na “Deleter” na pinahamahalaan ni Mikhail Red under Viva Films.
In 2019, Nadine took home three Best Actress awards for her 2018 movie “Never Not Love You” from Gawad Urian, FAMAS and Young Critics Circle or YCC at hindi kami magtataka kung siya ang muling tatanghaling Best Actress sa
darating na Gabi ng Parangal ng MMFF dahil sa kanyang sterling performance in “Deleter” where she plays the role of Lyra na isang content moderator.
Samantala, pinalakpakan ang pelikulang “Deleter” sa premiere night ng pelikula na ginanap sa SM Megamall Cinema last Friday, December 23 kung saan din nagpakitang gilas sina Louise de los Reyes, McCoy de Leon at ang singer, actor at director na si Jeffrey Hidalgo. Kakaiba rin ang treatment na ipinamalas ni Direk Mikhail Red sa nasabing pelikula and we look forward for him to be busier this 2023.
Ang iba pang matunog sa best actress award ay si Heaven Peralejo para sa pelikulang ‘Nananahimik ang Gabi’ at si Liza Lorena para sa ‘Family Matters.’