Rita

Rita nanganak na, Ken masaya

December 27, 2022 Aster Amoyo 260 views

THREE days before Christmas ay isinilang ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela (27 )ang kanyang first baby, a boy sa kanyang non-showbiz boyfriend na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niya i-reveal ang identity.

It was last June nang ihayag ni Rita on national television that’s she’s pregnant at inakala ng marami na ang kanyang ka-loveteam na si Ken Chan ang ama. It turned out na iba pala at hindi taga-showbiz.

Sa aming hiwalay na panayam kay Ken, isa umano siya sa mga unang nakaalam sa pagbubuntis ni Rita at masaya
umano siya para sa kanyang former TV partner.

Inamin din sa amin ni Ken na hindi umano mahirap mahalin si Rita pero hindi natuloy ang relasyon ng dalawa dahil hindi pa umano handa ang actor at young entrepreneur na magkaroon ng sariling pamilya. Sa part naman ni Rita ay
gustong-gusto na umano nitong magkaroon ng anak.

“I’m happy for her dahil natupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng baby,” pahayag ni Ken na sobrang focused ngayon hindi lamang sa kanyang acting career kundi laluna sa kanyang lumalagong mga negosyo.

Samantala, ang first baby ni Rita na isinilang nung December 22 ay pinangalanang Juan `Uno’ Andres.

“Hi, my son. You’re the greatest Christmas gift that God has given me.

You’re such a blessing to us. Your Tatay and I are so joyful to have you.

Can’t believe I’m celebrating Christmas this way…with you (hear emoji),” post ng singer-actress sa kanyang Instagram account.

Haharapin muna ni Rita ang kanyang duties as a first time mom to Uno bago siya magbalik-showbiz ngayong 2023.
Si Rita ang kauna-unahang grand winner ng “Popstar Kids” ng QTV, sister company ng GMA. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang pagpalaot sa showbiz ng apo ng yumaong veteran actor-comedian na si Teroy de Guzman sa tulong ng kanyang home studio, ang GMA.

Herlene masaya kahit di maganda ang karanasan sa Uganda HINDI man naging maganda ang experience host-actress-turned beauty queen na si Herlene `Hipon Girl’ Budol sa Uganda kung saan sana gaganapin ang Miss Planet International kung saan siya ang kinatawan ng Pilipinas, natutuwa naman actress-beauty queen dahil tuloy na tuloy na ang pagpapalabas ng kanyang kauna-unahang TV series sa bakuran ng GMA na pinamagatang “Magandang Dilag.”

It is earmarked for a February 27, 2023 release sa afternoon slot.

Samantala, marami mang challenges ang kinaharap ni Herlene nang siya’y sumali sa Bb. Pilipinas, kinu-consider naman niya itong malaking blessing dahil bukod that she gained new friends from among the candidates, marami umano siyang natutunan sa process.

Tinapos na rin ni Herlene ang kanyang pag-aaral ng Tourism Management sa College of Saint John Paul II Arts and Sciences.

Tulad ng taong 2022, umaasa si Herlene na magiging mabunga rin ang taong papasok, 2023.

Mylene wala sa bokabularyo ang kasal?

KAHIT mag-iisang dekada na ang relasyon ng award-winning actress na si Mylene Dizon sa kanyang partner, ang dating basketball superstar ng De la Salle University-turned coach na si Jason Webb, mukhang hindi na ito mauuwi sa kasalan dahil wala umano ito sa bokabularyo ng actress.

Si Mylene ay dating girlfriend ng actor na si Paolo Paraiso na ama ng kanyang dalawang anak na sina Thomas at Lucas.

Maganda ang relasyon ni Mylene kay Paolo na malapit nang ikasal sa non-showbiz girlfend nitong si Jessica Sto. Domingo at masaya ang aktres para sa kanyang dating partner.

Si Mylene ay isa sa nmga bituin ng MMFF entry na ‘Family Matters’ na sa ngayon ay nasa Top 5 sa box-office.

Pia sa UK nag-Christmas kasama si Jeremy SA hometown ng kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey sa Edinburgh, United Kingdom nag-spend ng Christmas holidays ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Although hindi pa nagsi-share ang dalawa sa kanilang mga plano sa kanilang kasal, marami ang naniniwala na malamang na mangyari ito ngayong 2023.

The 33-year-old Fil-German former beauty queen ay sinasabayan ang kanyang fiancé sa pagiging well-travelled.

Edu, Cherie Pie itinangging hiwalay na sila NAGTATAKA ang magkasintahang Edu Manzano at Cherie Pie Picache kung bakit may lumalabas na balita na hiwalay na umano sila.

Nagkataong pareho busy sina Edu at Cherie Pie sa kanilang respective solo careers kaya hindi madalas mag-post ang dalawa na magkasama. Dito marahil nagkroon ng idea ng ilan sa kanila na mag-isip na hiwalay na ang dalawa.

Masayang ipinagdiwang nina Edu at Cherie Pie ang Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang pag-iibigan nina Edu at Cherie Pie ay muling nabuhay nang magsama ang dalawa sa TV series na “Marry Me, Marry You” kung saan sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang mga pangunahing bituin. On same TV series ay nagka-developan din ang dalawa bukod kina Edu at Pie.

SIBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE