Heart1

Heart pinatulan ang basher sa TikTok

May 17, 2024 Vinia Vivar 82 views

Napikon si Heart Evangelista sa isang netizen na nagsabing kaya siya maganda ay dahil wala siyang anak.

Sa kanyang TikTok account ay buong ningning talaga niyang sinagot ang basher.

“Wait lang ha? Napipikon ako sa ‘yo, ha?” ang mahinahong sabi ng aktres.

“Please comment with your real account. Please. So, I can address you properly. But since you didn’t use your real account, I cannot address you properly and I will not address you properly,” aniya pa.

Cool na mensahe ni Heart sa basher, “My dear, it’s already 2024. I have lost 4 babies already. Don’t give me this sh*t.”

Naiiling pang sabi ng fashion icon, “So, may nag-comment na ‘you’re only pretty because you didn’t have a child.’

Paliwanag ng aktres, pinaghihirapan niya ang kanyang pagpapaganda.

“Darling, nag-e-effort po akong magpaganda and I live a very grateful and peaceful life. That makes a big difference. And everyday po akong nagde-derma kaya ako fresh,” saad ni Heart.

“Napikon ako, ha?” sey niya ulit.

Nanawagan pa siya sa TikTok na hanapin ang netizen na nag-comment ng nakaka-offend na statement.

“TikTok ha? Hanapin n’yo to. Tawagan n’yo si Bungo,” sambit ni Heart.

Marami naman ang nakisimpatiya at naka-relate kay Heart, lalo na nga ang married women na hindi pa rin nagkakaanak.

Nakakaaliw din ang mga komento na sana ay ganito rin sila kaganda mapikon.

AUTHOR PROFILE