Posas

Koreano na wanted sa perjury huli sa Clark

February 21, 2024 Bernard Galang 112 views

ARESTADO ang isang wanted na Korean national nitong Miyerkules sa departure area ng Clark International Airport sa Pampanga.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ng Pampanga police ang Korean national na si Chul Hee Kim, 48, ng The Villages, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga.

Inaresto ng magkasanib na elemento ng Mabalacat police, PNP Aviation Security Group Unit 3- Clark International Airport (CIAPS) at 2nd PMFC Mabalacat Patrol Base si Kim dahil sa kasong perjury na may P18,000 piyansang inirekomenda ng hukom ng RTC, Branch 114, Angeles City, Pampanga.

Nakakulong ngayon ang akusado sa Pampanga police para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

AUTHOR PROFILE