Suspek Ang suspek habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng CAAP Security personnel. Kuha courtesy ng CAAP

US nat’l nag-bomb joke sa eroplano, arestado

February 21, 2024 Jun I. Legaspi 93 views

ISANG dayuhang pasahero ang inaresto at ikinulong ng mga tauhan ng Civilian Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos mag-bomb joke habang pababa ng eroplano sa Laguindingan Aiport nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Laguindingan Airport Manager Job De Jesus, pababa na ang 73 pasahero ng flight DG 6723 mula Mactan-Cebu nang mag-bomb joke ang US citizen sa gitna ng pagkuha nito ng kanyang bagahe.

“I can shoot you all, and I can trigger the bomb,” pahayag umano ng dayuhan.

Agad namang iniulat ang insidente sa Control Tower kaya’t nagsagawa ng K9 panelling ang CAAP Security and Intelligence Unit at sinuri ang bagahe ng lahat ng mga pasahero na hindi naman kinakitaan ng bomba.

Agad namang isinalang sa interogasyon ng PNP-AVSEU at kasalukuyang nakadetine sa PNP headquarters sa Laguindingan Airport at nahaharap sa kaukulag kaso.

Samantala, pinaalalahanan ni Airport Manager Job De Jesus ang mga pasahero sa abalang dulot ng bomb jokes.

“We consistently emphasize to passengers and airport users that joking or making bomb jokes at the airport or on an airplane is strictly prohibited. Anyone caught will face serious charges, including corresponding penalties and imprisonment,” diin ni De Jesus.

Alinsunod sa Presidential Decree No. 1727 ang bomb jokes ay may parusang imprisonment ng hindi hihigit sa limang taon o multyang aabot sa P40,000.

AUTHOR PROFILE