Default Thumbnail

Klase sa Cagayan sinuspinde dahil sa bagsik ni Goring

August 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 304 views

WALANG pasok sa eskwelahan ang lahat ng antas mula pre-school hanggang kolehiyo, pampubliko o pribado sa buong probinsya ng Cagayan dahil sa bagsik ng pananalasa ng bagyong Goring.

Iniutos ito ni Cagayan Governor Manuel Mamba batay sa rekomendasyon ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC.

Ang hakbang ay ginawa upang mailigtas o mailayo sa peligro at panganib ang mga kabataang mag-aaral at estudyante dahil sa patuloy na banta ni bagyong “Goring”.

Mananatili ang suspensyon hanggat hindi ito binabawi ng Tanggapan ng Gobernador.

Batay sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, ilang mga lugar sa probinsya ang hindi madaanan dahil sa baha at landslide dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Hindi madaanan ang kalsada mula Gunnacao street , Cataggaman Nuevo hanggang Pinacanauan Nat Tuguegarao avenue dahil sa baha.

Nasira naman ang Calapangan bridge sa bayan ng Sto Nino , kaya’t hindi rin ito madaanan tulad ng Box Culvert sa San Manue4l-Sidiran Road dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.

Bukod sa mga hindi madaanang lugar o kalsada, marami ring kabahayan ang nasira at mga punong nabuwal dahil sa lakas ng hanging dulot ng bagyo.

Marami naring residente ang inlikas dahil sa pangambang umapaw ang mga tubig sa ilog dahil sa lakas ng ulan.