Kilalang direktor interesado kay William

June 13, 2021 Aster Amoyo 2849 views

ISANG kilalang independent writer-director and film producer ang nagpaabot ng intention na kunin ang serbisyo ng isa sa hottest matinee idols ng 80’s na si William Martinez matapos mapanood ang actor sa aming exclusive interview sa aming online show, “TicTalk with Aster Amoyo” sa aming YouTube channel.

Bukod sa pelikula, gustong-gusto ng 55-year-old actor na magkaroon ng teleserye para tumatak umano sa mga manonood na kaya pa umano niyang magtrabaho at umarte.

Nagpapasalamat sa Diyos si William na fully-recovered na umano siya sa heart stroke several years ago. Mas maingat na umano siya ngayon laluna sa pagkain at pagi-exercise.

William has long been separated sa kanyang ex-wife, ang actress na si Yayo Aguila kung kanino siya may apat na grown-up children and has since living alone in a rented house in Antipolo City.

Malungkot man ang kinahinatnan ng kanyang marriage, William admits that he’s in good terms with his ex-wife at willing pa siyang muli silang magsama sa mga proyekto sa pelikula at telebisyon.

Para maibsan ang lungkot na nararamdaman ni William, gusto niyang magtrabaho para makalimutan ang mga problema.

Nadapa man si William, gusto niyang bumangon at makabawi hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang apat na anak ni Yayo na lahat nasa poder ng kanilang ina except sa kanilang panganay na si Patrizha na nakabukod na.

Ano kaya’t pagsamahin sina William at elder brother niyang si Albert Martinez sa isang proyekto? Maganda rin siguro kung muli nilang makakasama sina Maricel Soriano at Snooky Serna in one movie o di kaya sa isang TV series.

Valerie gusto nang magkaanak sa mister

IT was in December 2019 nang ikasal ang actress na si Valerie Concepcion sa kanyang non-showbiz husband (based in Guam, USA) na si Francis Sunga na may isa ring young daughter sa dati nitong karelasyon.

Eventually, Valerie’s daughter Heather became close to Francis’ daughter gayundin sa kanyang stepdad.

Although masaya na sina Valerie at Francis with their respective daughters, gusto pa rin nilang mabiyayaan ng Diyos ng isa pang anak.

Ang 33-year-old actress na si Valerie became a teen-age mom at 16 sa kanyang teen-age daughter na ngayong si Heather Fiona (16). She was pregnant with Heather nang tuluyang maglaho ang ama ng bata na si Jeremy Carag, pamangkin ng singer-actress na si Ali Sotto. Valerie raised her daughter by herself with the help of her family.

Boss Vic tinawagan si Direk Darryl dahil sa tagumpay ng pelikula

ANG Viva big boss na si Boss Vic del Rosario mismo ang tumawag sa writer-director na si Darryl Yap dahil sa malaking tagumpay ng latest movie nito, ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na streaming ngayon sa Vivamax, KTX.ph at iWant TFC.

Direk Darryl just started his 9th film for this year sa bakuran ng Viva bilang writer-director na kanyang sinimulan sa pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” kung saan tampok sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor. Ang nasabing pelikula ay naging instant hit at siyang first movie na ipinalabas sa Vivamax sa launching nito last January 29, 2021.

Nang makarating sa magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles ang tagumpay (sa streaming) ng kanilang movie ay tuwa-tuwa ang dalawa. Ito bale ang kanilang second team-up sa movie pagkatapos ng box office hit movie na “Jowable” in 2019 na sinulat at dinirek din ng gender-bender director na si Darryl Yap.

Sa unang linggo ng July ay sisimulan naman niya ang “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso”.

David inaming member siya ng LGBTQ

TIYAK na maraming female fans all over the world ang na-shock nang finally mag-out sa publiko ang American singer-songwriter, recording star, actor and finalist sa “American Idol” na si David Archuleta na may kinalaman sa kanyang sexuality.

Inamin ng American singer-songwriter na matagal na panahon din niyang nilabanan ang kanyang sarili bago siya finally umamin sa kanyang tunay na kasarian at kung paano niya babalansehin ang kanyang Christian faith at ang kanyang sexual preference. As early as 2014 ay inamin na ito ni David sa kanyang pamilya but it was only last Sunday nang i-share niya sa kanyang Instagram account ang pagiging miyembro niya ng LGBTQ+ community. Pero sa kabila nito ay nananatili pa ring loyal ang kanyang fans regardless kung ano ang kanyang sexual preference.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE