Ate Vi, ’di prayoridad ang pagtakbo sa 2022

June 14, 2021 People's Tonight 466 views

WALA pang planong political si Congresswoman Vilma Santos-Recto para sa 2022. Tutok siya sa kanyang distrito bilang kongresista ng Lipa City, Batangas at trabahuhin ang kanyang legislative works.

Naglabasan kasi sa mga report na isa siya sa mga pinagpipiliang presidential/vice presidential bets ng 1Sambayan kaya hiningan namin siya ng reaksyon kaugnay ukol dito.

“Wala pa akong plano sa 2022.

“Taus-pusong pasasalamat sa tiwala na ibinigay sa akin ng 1Sambayan!!!

“Focus ko ngayon ang aking distrito! Mapabakunahan lahat ang nararapat kabalikat ang city govt.

“Mabigay ang ayudang para sa kanila!!!

“Trabahuhin ang aking legislative works.

ITO ANG AKING PRIORIDAD SA NGAYON!!! Salamat Jun!!!” laman ng buong text sa amin ni Congresswoman Vilma.

PAGLAYAS NI BITOY SA GMA, FAKE NEWS

BitoyNANANATILING Kapuso artist si Michael V. Walang basehan ang tsismis na lalayas na siya sa GMA.

Sa totoo lang, tuloy pa rin si Bitoy (tawag kay Michael) sa shows niyang Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Nag-iingat lang sa trabaho ang award-winning comedian. Nagka-COVID-19 na siya kaya iwas din siya sa sobrang work. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE