ripple

Darren, halimaw level ang hatak sa kabataang Pinoy

June 13, 2021 Ian F. Fariñas 728 views

HALIMAW level talaga ang lakas ng hatak ni Darren Espanto sa mga kabataang Pinoy dahil halos lahat ng gawin at pagkaabalahan niya ay nagte-trend sa iba’t ibang social media platforms.

Hindi lamang ang comeback concert niyang Home Run ang matunog na pinag-uusapan sa digital world, kundi maging ang husay niya bilang host ng pinakabagong online show na TNT POP Show.

Nag-pilot ito nu’ng June 9 at mapapanood tuwing Sabado, alas-singko ng hapon, sa TNT microsite, TNT Facebook account at TNT YouTube channel.

Layon ng TNT Pop Show na ihatid ang makukulay na kuwento ng Kabataang Pinoy na nangangarap maging kasing sikat at bigat ni Darren.

Siyempre, excited at enjoy ang batang singer sa nasabing hosting job. Katunayan, perfect choice siya sa proyekto dahil tipong nakaka-relate siya sa mga sumasali rito.

Ani Darren, “I am happy and excited to be hosting the TNT POP Show. Gaya rin ng ilan, I pursued my dream to become a performer by joining different talent contests. I believe that more Kabataang Pinoy like me have what it takes to thrive in show business by sharing their talent and uplifting story.”

Kada-linggo, ihahatid ng TNT Pop Show ang segments tulad ng “Pop Idol,” kung saan ipi-feature ang aspiring/upcoming influencers; “Pop Trip,” na naglalaman ng activities at games kasama ang Popstars of the Week; at iba pang exciting content na makapagbibigay-saya at good vibes sa netizens.

Kaya naman ganu’n na lamang ang pasasalamat ni Darren sa tiwalang ipinagkaloob ng kanyang Smart and TNT family.

Pahayag niya, “I’d like to thank my Smart and TNT family for welcoming me. I’m so excited to be working with all of you. This is both a pleasure and an honor. And I’m so excited for everyone to see what we have in store for all the Kabataang Pinoy with big dreams. Maraming salamat po!”

Para sa iba pang detalye tungkol sa TNT POP Show, i-follow lamang ang official accounts ng TNT sa Facebook, Twitter at Instagram.

AUTHOR PROFILE