luisjessy

Jessy, handa nang magka-baby

June 13, 2021 Vinia Vivar 531 views

Ikinaloka ni Jessy Mendiola ang wild questions ng followers niya sa Instagram. Nonetheless, sinagot pa rin niya ang mga ito dahil sey nga niya, siya mismo ang nagsabi sa fans na ipadala ang most savage questions na gustong itanong sa kanya.

Isa sa mga tanong sa kanya ay kung totoo ang kanyang boobs na kinumpirma naman ng aktres.

“Yes, they’re real guys. Hindi ko na talaga kayang magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap. At kaya ako nagpapayat noon dahil hindi ko na rin talaga kaya ‘yung bigat ng aking boobs. Real talk. Kasi nakukuba na ‘ko and masakit sa likod,” ani Jessy.

Tinanong din kung ano ang kanyang fave position at sagot niya, “position saan?”

Pero sinagot din niya ito.

“I would love to be on top of the world. ‘Yun. ‘Yun na ‘yung sagot ko,” aniya ay pilyang ngumiti na siyempre, iisipin mo talagang may pagka-double meaning.

Isa pang tanong ay “how’s the night after the wedding?” at napatawa si Jessy.

“Tulog kami. Super tulog. Kasi pagod na pagod kami after the wedding,” natatawang sey ng aktres.

May nagtanong din ng “is Luis good in bed?” At pilyang kindat lang ang isinagot dito ni Jessy. ‘’Yun na ‘yung sagot ko. Charot! Okay, next…,” natatawa niyang sabi.

Sa tanong naman kung nag-share ba siya sa wedding expenses nila ni Luis, sagot niya, “Yes, I did.”

Paliwanag ni Jessy, “Para sa akin ‘to, guys, ha, it would be unfair naman din if kaya ko namang mag-share, bakit naman hindi, di ba? And I think, hindi lang sa wedding. Most of the time, ‘pagka kunwari, may trip kami ni Luis or meron kaming binibili together, nagsi-share pa rin ako kahit paano because I have my own income naman and work.”

Maging sa household expenses ay share rin daw sila ng asawa.

Sex or chocolates?

“Ang hirap naman,” aniya. “Both. Sorry, I can’t choose.”

Asked kung ready na ba siyang magka-baby, sey niya, “Yes, I am ready to get pregnant.”

Dagdag niya, “Better din na nasa late 20s na rin ako, kesa nasa 30s na ‘ko. Parang feeling ko mas mabilis akong magba-bounce back. And gusto rin talaga namin ni Luis na siguro mga two to three yung children namin. Kaya sana two to three kids before I turn 33, ganun. 28 na ‘ko ngayon eh, so meron akong five years pa,” aniya.

May plano sila na magkaroon ng baby this year? Sey ni Jessy, hindi siya sure.

“Not so sure kung this year. Siguro when things are better. Sana talaga things get better. Para rin you know, all of us could really move on with our lives na walang worries, na walang anxiety na nakakabit,” saad ng aktres.

AUTHOR PROFILE