Posas

Kelot timbog sa shabu, boga sa Binan

November 5, 2023 Gil Aman 163 views

ARESTADO sa aktong sumisinghot ng shabu ang isang lalaki na armado ng baril sa anti-illegal drugs operation sa P. Burgos St., Bgy. Sto Domingo, Biñan City, Laguna noong Sabado.

Sa ulat kay Laguna Officer-in-Charge (OIC) Provincial Director PCol. Harold Depositar, kinilala ang arestadong suspek na si Alias Ariel.

Narekober ng pulisya mula kay alias Ariel ang 0.3 gramo ng shabu na may halagang P2,070, isang aluminum foil tooter, foil na may bahid ng shabu, 2 lighter, sling bag at caliber .38 na revolver.

Natimbog si Ariel dakong alas-4:00 ng umaga ng mga miyembro ng Biñan Drug Enforcement Unit.

AUTHOR PROFILE