Suspek Source: File photo ni JONJON C. REYES

P200,000 piyansa para sa suspek sa gahasa

May 25, 2024 Jojo C. Magsombol 139 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado noong Huwebes ang isang lalaking suspek sa panghahalay sa Brgy. Bagong Sikat, Lemery Batangas.

Bandang alas-12:35 ng hapon ng Mayo 23, 2024 nasakote si alyas Honorio, ayon sa report ng Lemery police kay P/Col. Samson Belmonte, hepe ng Batangas police.

Inaresto ang suspek sa kasong Rape by Sexual Assault sa tulong ng arrest warrant galing sa Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 5 ng Lemery, Batangas.

Nagrekomenda ang korte ng P200,000 pyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE