Default Thumbnail

Kelot tiklo sa pagdadala ng baril sa Binondo

October 28, 2022 Jonjon Reyes 262 views

NASA kasarapan pa sa pagsusugal ng “cara y cruz” at habang hinahagis ng isang 41-anyos na vendor ang mga barya nang arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Gandara Police Community Precinct (PCP) at mahulihan ito ng baril nitong Huwebes.

Ang suspek ay vendor at pawang residente ng Asuncion St., Tondo, Maynila.

Nahulihan ang suspke ng kalibre 38 baril na nakasukbit pa sa baywang nito sa Binondo habang nasa gitna ng cara y cruz.

Samantala, binitbit din ang isang kalaro nito ng nasabing sugal.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Chief Master Sargent Alex Dela Cruz, kay P/Lt. Col. Rexson Layug, commander ng MPD Binondo Police Station 11, pasado alas 5:20 ng hapon nitong Huwebes nang mamataan ng tatlong nagpapatrolyang tauhan ng Gandara PCP na sina P/Cpl. Ellis Bruce Oxina, P/Cpl. Billy Rey Tagupa, at Pat. Jancer Cebuenas, ang naguumpukang mga kalalakihan.

Dito na nila nakita na nagsusugal ang mga ito, kaya nang papalapit na ang tatlo nagpulasan ang mga mananaya at naiwan ang vendor na siyang may hawak ng baril at pera at isang mananaya sa panulukan ng Muelle De Banco at Burke St. sa Binondo.

Narekober naman ang mga ebidensiya na perang pantaya at coins na gamit sa pagsusugal.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 (Illegal Gambling habang may karagdagang kasong kaharapin ang armadong suspek, ang Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Kaugnay nito, ang baril na nakuha sa suspek ay isasailalim sa ballistic examination para maberipika kung ito ay ginamit na sa pagpatay.

AUTHOR PROFILE